ctto:Freepik

Sa mundong pabago-bago, may mga bagay na kahit gustuhin at pilitin man nating manatili ay wala pa rin tayong magagawa dahil wala tayong kapangyarihang hawakan at pigilan ang tadhana. Kagaya na lamang ng mga isyu na patuloy na lumalaganap at hindi mapigilang lumalala, ito ang mga kontrabida ng iba’t ibang salik ng ating mundo, ng ating lipunan. Habang lumalaki ang populasyon ng ating bansa, kinakailangan natin ng mas maraming materyales upang matustos ng ating ekonomiya ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mamamayan. Ngunit, hindi ito gaano ka madaling makamit. Mayroon ba talagang kontrabida ng ekonomiya? Ang kontrabida ng ekonomiya sa ating bansa, implasyon.


 Ang implasyon ay isang pangyayari na lumalaganap sa ating ekonomiya na naghahatid ng pinsala sa aspetong indibidwal, nasyonal, at global. Habang tumataas ang presyo ng bigas samantalang lumiliit naman ang halaga at kantidad ng pera, ang pinsalang dulot ng implasyon ay lumalagpas ng higit pa sa ating inaakala at nakaka-apekto sa lahat ng salik ng lipunan.


 May iba't ibang dahilan kung bakit nagkakaroon ng implasyon, kasama na rito ang labis na salapi sa sirkulasyon, mataas na gastos sa produksyon, export orientation, import dependent, at maging ang gyera na nagaganap sa ibang bansa. Ang mga ito ay hindi lamang nagdudulot sa pagtaas ng demand, pagbaba ng suplay sa produksyon, at pagkukulang ng pundo ng bayan, ngunit pati na rin sa paglaganap ng kahirapan, sa pamumuhay ng mga mamamayan, at maging sa aspektong mental ng mga indibidwal. Ang mataas na demand sa isang produkto ay gumaganap din ng mahalagang papel sa mga rate ng inflation na kasalukuyang tumataas.Isang importanteng isyu sa Pilipinas ay ang isyung implasyon na dapat tutokan sapagkat nakaaapekto ito sa ekonomiya at sa mga mamamayan.

 

ctto:CGTN

Sa pandaigdigang pananaw, ang isyu ng implasyon ay hindi lang isang isyung pambansa kundi isang global na suliranin na nagdudulot ng negatibong ‘domino effect’ kung may pangyayari kagaya ng kalamidad o gyera sa isang bansa na maaaring maaapektohan ang ibang bansa dahil nito. Isang halimbawa nito ay ang digmaan ng Ukraine at Russia na nag sasanhi sa mabilisang pagtaas sa presyo ng gas sa buong mundo. Kung kaya ay nahihirapan ang mga mamamayan dahil sa biglaang pagbilis ng gas at mga bilihin. Dahil sa pagsiklab ng digmaang Russia-Ukraine na nananatili sa higit isang taon, makikita natin ang masamang epekto nito sa pandaigdigang ekonomiya sa pamamagitan ng ilang mga channel, tulad ng commodity market, stock market, at kalakalan. Kapansin-pansin, ang merkado ng enerhiya ay tinamaan ang pinakamahirap na higit nahihirapan sa pagtustos ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Ayon sa datos na inilabas ng American Oil and Gas Journal, noong 2021, ang pandaigdigang produksyon ng langis ay umabot sa 4.423 bilyong tonelada, at ang produksyon ng langis ng Russia ay nagkakahalaga ng 534 milyong tonelada, na umabot sa 12% ng produksyon ng langis sa buong mundo, na ginagawa itong pangalawang -pinakamalaking producer ng langis sa mundo pagkatapos ng United States. Ang pagputok ng digmaang Russia-Ukraine at ang kasunod na mga parusa sa enerhiya ng US na ipinataw sa Russia ay nagresulta sa isang makabuluhang pagtaas sa mga presyo ng krudo.



ctto:Daily Times

Kung sa pandaigdigang pananaw ay nagdudulot ng ‘domino effect’ ang implasyon, sa pambansang usapin naman ay may koneksyon ang implasyon sa ibang pambansang suliranin. Sa ating bansa, nahihirapan din tayo sa mataas na poverty rate dahil sa ‘overpopulation’ kung kaya ay maaaring masasabi na direktang proporsyonal ang poverty rate sa implasyon sa ating bansa. Kapag tataas ang rate ng implasyon ay tataas din ang poverty rate ng bansa dahil nahihirapan ang mamamayan sa pagtustos sa kanilang pangangailangan sa pagbilis ng inflation rate. Ayon sa pananaliksik nina Rivera at Tullao (2020), noong 2018, tumaas ang inflation rate sa Pilipinas dahil sa supply-demand chain;Halimbawa, dahil ang bigas ay isang bagay na prominente sa mga pagkaing Pilipino, tumataas ang demand, kaya halos hindi maabot ang pagbili ng bigas para sa mga pamilyang mababa ang kita. Kaya kailangan rin na pag-isipan ang pinansyal na pamumuhay ng mga mamamayan upang hindi tataas ang rate ng ibang suliranin ng bansa kagaya ng ‘poverty’ o kahirapan. Gayunpaman, noong huling bahagi ng 2023, bumaba ang inflation rate sa Pilipinas kaya itinala nito ang pinakamababa sa nakaraang taon. Ayon sa Department of Finance ng Pilipinas (2024), ang inflation rate ay 3.9% noong Disyembre, at 6.0% bilang isang assumption para sa buong taon. Na maiuugnay rin sa poverty rate ng 2023 na ayon sa Philippine News Agency (2023) ay bumaba sa 22.4%.


ctto: Filipino News

Malala na talaga ang implasyon, kaya sa kakayahan ng gobyerno ay maglabas sila ng mga alituntunin na makakatulong sa mga mapagkumpitensyang kasanayan sa loob ng pag-import at produksyon upang higit pang mabawasan ang implasyon at gumawa ng mga programa upang matulungan ang mga mahihirap. Ngunit, ang mga alituntunin at mga programa ba ay sapat na mabisa upang mabawasan ang rate ng implasyon? Sa madaling sabi, hindi. Kapag hindi magtutulungan ang ating mga kapwa mamamayan sa ating gobyerno, ang suliraning ito ay malabong magwawakas. May mga programa na nagbibigay ng ‘cash assistance’ o ‘conditional cash grants’ sa mga mamamayan na mahihirap upang matulungan sa pagtustos sa pangangailangan ng kanilang mga anak lalo na sa pangangailangan sa pag eskwela. Subalit, may mga mamamayan na mas ginagamit nila yung pera para sa pansariling pag gamit kagaya ng mga bisyo na pag-inom ng alak, pagsusugal, at iba pa sa halip na gagamitin para sa kanilang mga anak. Dahil nito makikita natin na mahalaga ang pagtuturo ng ‘financial literacy’ sa mga mamamayan upang mapabuti ang kanilang kalagayan at hindi lang sa palaging bigay ng bigay. 


Kahit problema ang implasyon, nagbibigay naman ito ng trabaho sa mga mamamayang pilipino. Nagpro-promote din ito ng economic growth sa bansa at nag-aadjust din sa presyo ng mga bilihin upang may makukuhang kita mula sa mga produkto. Na kilala rin bilang ekonomikong teorya na The Phillips Curve (Investopedia 2023). Pero sa kabilang palad, malala na ang implasyon sa Pilipinas at nagdudulot na rin ito ng pagmamahal ng mga bilihin at pangangailangan. Mabuti lang ang epekto ng implasyon kapag ito ay matatag o balanse, ngunit, kapag ito ay hindi na balanse at mabilis ang pagtaas nito kagaya sa rate ng implasyon sa ating bansa matatalo ang mabuting epekto sa masamang epekto nito. Kung hindi makasabay ang mga negosyo sa  rate ng implasyon sa halip ng economic growth maaaring maging bankruptcy ang kapalaran ng isang negosyo dahil sa currency depreciation ng mabilis na inflation, maaaring humahamon ito sa mga mamimili at mga negosyo. 


Sa pangkalahatan ng sanaysay na ito, ang implasyon ay isang importante at komplikadong isyu na nakakaapekto sa iba't ibang aspeto sa ating buhay. Ang implasyon ay sinasabing kontrabida ng ekonomiya na nagsasanhi sa mga iba’t ibang isyu kagaya ng kahirapan, ‘currency depreciation’ o ang pagbaba ng halaga ng pera, at iba pa. May maraming dulot ng implasyon sa Pilipinas, na pati ang mga pandaigdigang isyu ay nakakaaapekto sa ating pambansang kalagayan. Masasabing komplikado ang implasyon dahil may marami itong salik at maraming epekto sa ating ekonomiya, na natuklasan na may koneksyon din ito sa iba’t ibang pambansang suliranin kagaya ng kahirapan o poverty na maaaring direktang proporsyonal. Sa kabila ng benepisyo ng implasyon sa ating ekonomiya na nakakatulong sa pag lago nito, kapag hindi matatag o balanse ang pagtaas ng implasyon mas dudulot ito ng suliranin kaysa sa mabuting epekto. Kapag hindi gagawa ng tamang desisyon bilang tugon sa isyung implasyon ang gobyerno, at kung hindi makipagtulungan ang mga mamamayan, maaaring magpapatuloy ang pagtaas o pagbilis ng implasyon. Kung hindi tayo kikilos ngayon, kailan pa? Kung hindi tayo kikilos ngayon magpapatuloy ang isyung ito at hindi lang maging kontrabida sa ekonomiya natin, ngunit, kontrabida sa iba’t ibang aspekto ng ating buhay.



Mga Sanggunian

Department of Finance of the Philippines. (2024, January 5). PH records lowest 2023 inflation rate of 3.9% in December, meets DBCC assumption of 6.0% for full year 2023. Department of Finance. https://www.dof.gov.ph/ph-records-lowest-2023-inflation-rate-of-3-9-in-december-meets-dbcc-assumption-of-6-0-for-full-year-2023/?fbclid=IwAR1utnyiipRz4QjOHuGCB1MqrTKOWpz6tNabJjNVPjjnM7fqSfkinedAExc

Gonzales, A. L. (2023, December 22). PH poverty rate declines to 22.4% in 1st half 2023. Philippine News Agency. Retrieved March 20, 2024, from https://www.pna.gov.ph/articles/1215836

Guild, J. (2023, August 29). Is the Philippines Winning Its Battle Against Inflation? The Diplomat. Retrieved March 18, 2024, from https://thediplomat.com/2023/08/is-the-philippines-winning-its-battle-against-inflation/

Rivera, J. P. R., & Tullao Jr., T. S. (2020, August 26). Investigating the link between remittances and inflation: evidence from the Philippines. Taylor & Francis Online. https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/0967828X.2020.1793685?fbclid=IwAR1TmmfNvlglM1U_7U3FOMvmv5-WYKQenYIUepWpFL_AbBAAwHuZybEiJQk

Zhang, Q., Hu, Y., Jiao, J., & Wang, S. (2024, January 02). The impact of Russia–Ukraine war on crude oil prices: an EMC framework. nature. https://www.nature.com/articles/s41599-023-02526-9?fbclid=IwAR29CY-gX2XnXaIR2B8MKO5aySwVM4Oj2ihI0JO_IKufytzHSq45GLKNNZ4#Abs1



Inihanda nina:


Cero, Raymund

Mantabute, Angel Mae

Pizaña, Beatrice Joy
Verana, Ilyssa Gabrielle
Tan, Reilly Drew
 

2 comments:

  1. Hala wow! Ang gawain na ito ay nakatutulong talaga upang magabayan ang sanggunian.

    ReplyDelete
  2. sana ay mawala o mabawasan na ang implasyon! magaling ang pagkasulat ng blog -Benito, Jea

    ReplyDelete

ctto:Freepik Sa mundong pabago-bago, may mga bagay na kahit gustuhin at pilitin man nating manatili ay wala pa rin tayong magagawa dahil wal...